Menu
Ang Kabutihan, Kahalagahan ng mga Directional Signages sa Panahon ng Pandemya

Nagsimula muli ang panibagong school year noong Oktubre 5, 2020. Ngunit hindi tulad ng mga nakaraang taon, tututok sa mga aralin ang mga estudyante habang nasa kanilang mga bahay dahil sa pandemya. Kung noon ay kasama nila ang kanilang mga kaklase at guro na masayang nakikipagkwentuhan, ngayon ay modyul, tablet, cellphone at iba ang kanilang sinasandalan upang maipagpatuloy ang pag-aaral.

Dapat ay noong Agosto pa nagbukas ang klase, pero ipinagpaliban ito ng Department of Education o DepEd sa Oktubre dahil sa mga isyung umuusbong dahil sa COVID-19.

“Malaki ang epekto sa pamumuhay ng pandemyang (COVID-19). Lahat tayo nahihirapan sa sitwasyon, subalit ang pag-aaral o pagkatuto ay hindi dapat isawalang bahala. Karapatan ng mga kabataan na makapagaral. May kasabihan nga, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Kaya naniniwala ako na kahit anong hirap ng sitwastyon natin, marami namang paraan upang matugunan ang pag-aaral ng mga kabataan. Ang mahalaga ay hindi masayang ang isang taon sa buhay ng mga mag-aaral. Upang mapagtagumpayan ito kailangang magtulong-tulong ang bawat isa. Bilang magulang, malaki ang responsibilidad namin para maging maayos at matagumpay sa pag-aaral ang aming mga anak,” sambit ni Lydia Soriano guro at ina ng isang mag-aaral sa Fourth Estate Elementary School.

“Bilang guro, naniniwala akong kailangang ipagpatuloy ang edukasyon kahit may pandemya dahil isa itong epektibong paraan upang malabanan ang kahirapan, maipagpatuloy ang pangarap, mabigyan ng karalangan ang pamilya at sama-sama natin itong malalapagpasan basta lahat tayo nagtutulungan. COVID-19 ka lang Guro kami,” ayon sa isang guro ng Fourth Estate Elementary School.

Sa kasalukuyan, patuloy ang paghahanda ng mga Teaching at Non-Teaching personnel kasama na ang kanilang punong guro na si Gng. Apolonia F. Soriano sa nalalapit na pagbabalik ng mga mag-aaral ng Fourth Estate Elementary School tinatatawag itong Face to Face Classes. Ang paghahandang ginawa ng mga guro ng FEES ay tulad ng mga online webinars, workshops, at trainings partikular na sa mga isasagawang Learning Delivery Modality tulad ng Distance Learning at Blended Learning. Karamihan din sa mga guro ng FEES ay abala sa pagsusulat at paglikha ng mga modyuls na siyang ginagamit sa pag-aaral ng mga estudyante sa elementarya ng SDO-Paranaque. Abala rin ang mga miyembro ng Face to Face Team na binubuo ng Physical Facilities Coordinator, School Disaster Risk Reduction Management Coordinator, School Nurse, Master Teachers at kanilang School Principal.

Bilang paghahanda sa pagbabalik ng Face to Face classes o F2F ay ang paglalagay ng mga directional signages sa buong palibot ng paaralan, ito ay makatutulong na mapanatili at tiyaking nasusunod ang mga safety health protocols tulad ng physical distancing, contact less transactions habang nasa loob ng paaralan, pagtitipon-tipon at iba. Anon nga ba ang mga kahalagahan ng directional signage sa isang paaralan lalo na ngayong babalik na ang mga mag-aaral sa kani-kanilang paaralan? May maitutulong ba  ito? Bakit ito kailangan? Ito ay ilan lamang sa mga katanungan na marahil ay gusto mo rin malaman ang mga kasagutan.

BAKIT KAILANGAN NG DIRECTIONAL SIGNS ANG PAARALAN?

Ang paraalan ng Fourth Estate Elementary School ay naglagay ng ibat-ibang uri ng mga signages sa paligid nito mula sa pagpasok at paglabas ng mga magulang na siyang kumukuha at nagsasauli ng modyuls ng kani-kanilang mga anak. Alam natin mula ng magkaroon ng pandemya kahit saang lugar tayo magpunta ay nagkaroon ng limit, pagitan o hangganan ang pakikisalamuha ng bawat isa sa atin. Kapag tayo ay nasa mall halimbawa ay may makikita tayong mga directional signs kung saan lamang tayo maaring maglakad, pumunta, pwede at hindi dapat puntahan o hawakan, ganoon din sa iba’t ibang establishments ay may makikita tayong mga signages o directional signs at iba pang kauri nito. Kaya marapat lamang na may mga signages din sa ating mahal na paraalan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa sa atin lalo ng mga magbabalik na estudyante ng Fourth Estate Elementary School.

Ito ang ilan sa mga kahalagahan at kabutihang dulot ng signs o directional signage sa ating paaralan:

  1. To provide directions: mabibigyan tayo ng gabay kung saan tayo patutungo kung ito ba ay sa guidance office, School clinic, classroom kung saan naka-assign ating mga mag-aaral, AVR, Principals’ Office at iba pa. Sa pamamagitan nito magiging malinaw at madaling mapupuntahan ng sino man ang kanilang nais puntahan sa loob ng paaralan ng walang nakakasalamuha o napananatili ang physical distancing.
  2. To name rooms or buildings: Bawat silid-aralan at bawat gusali ng Fourth Estate Elementary School ay may sapat, nasa laki at sukat na mga markings o signages upang kahit nasa malayo pa lamang ay kitang kita na agad ito.
  3. To designate special zones or areas: Ang face to face team ng FEES ay nagtakda ng mga espesyal na mga silid sa ating paaralan isa na rito ang isolation room kung dito maaaring pansamantala na manatili ang ang sinuman na magkakaroon ng mga sensyales na maaaring iugnay sa COVID-19. Dito ay mapapanatili ang kaligtasan ng lahat.
  4. To provide information: Sa pagpasok pa lamang sa ating paaralan mula sa entrance ito ay may mga marka sa sahig tulad ng arrows, stickers na nagsasabi na panatilihin ang physical distancing, paghuhugas ng kamay, pag-disinfect sa pamamamagitan ng paglalagay ng alcohol, pagkuha ng temperature at iba pa. Lahat ito may malinaw, malalaki ang sukat ng pagkakagawa at nasa mga lugar na madaling makita at mabasa. kaya sa pamamagitan nito ay masisiguro ang kaligtasan ng lahat.                                                                                                                                                                                                              SINO ANG NAG-INSTALL O NAGLAGAY NG MGA DIRECTIONAL SIGNS SA ATING PAARALAN?

Ang Fourth Estate Elementary School ay may binuong grupo na tututok sa pagbabalik ng mga estudyante sa paaralan ito ay ang Face to Face Team na siyang nag-isip, at tumukoy kung saan saang bahagi ba ng paaralan dapat at hindi dapat ilagay ang mga signages at directional signs. Ang face to face team ay kinabibilangan nina Maam Apolonia F. Soriano School Head, Maam Glady A. Mutya Master Teacher, Mona Cheska Capistrano School Nurse, Maam Teresita Ducta School Dentist, Maam Rochelle Rabacal School DRRM coordinator, Sir Rogelio R. Pasion School Physical Facilities Coordinator at ang mga masisipag na Non-Teaching Personnels ng paaralan. Buong puso at husay nilang inilaan ang kanila oras at talent sap ag-ijnstall o paglalagay ng mga signages na ito mula sa kaliit-liitang detalye ay mabusisi nila itong ginawa.                                                                                                                                                                          ANO ANG TARGET NG SCHOOL MATAPOS LAGYAN NG SIGNAGES ANG PALIBOT NITO?Sinisiguro ng Paaralang Elementarya ng Fourth Estate ang kaligtasan ng bawat isa sa atin habang tayo ay nasa loob ng paaralan. Lalong lalo na sa pagbabalik ng ating mga mahal na estudyante. Sa pagbabalik ng face to face classes ay pinakikita nito ang kahalagahan ng pag-aaral sa gitna ng pandemya dahil bilang guro, magulang at mag-aaral na may malaking pagpapahalaga sa edukasyon ang simpleng signage o directional signs sa ating paarlan ay isang malaking hakbang para umunlad ang ating pamumuhay, pagsunod at pagsasagawa sa mga signs na ito ay isang napaka importanteng bagay para sa ating lahat. Pinapakita nito ang pagiging Pilipino na tayong lahat ay masunurin, magalang at higit sa lahat may pagpapahalaga sa buhay ng bawat isa sa atin.Ang edukasyon ang responsibilidad ng bawat isa sa atin. Hindi lamang ng mga mag-aaral, guro, at magulang kundi ng isang komunidad na handang sumuporta at gumabay sa pangarap ng isang batang Paranaqueno na makapag-aral. Kitang kita rin ang suporta na binibigay ng mga kawani ng Barangay San Antonio at ng Pamahalaang Lungsod ng Paranaque at mga kasapi nito sila rin ay walang sawang tumutulong sa ating paaralan sa pagbibigay tulong pinanansiyal at mga kagamitan para sa ating paaralan.

Kaya kung patuloy tayong magtutulungan at magkakaisa sa iisang adhikain, hindi malabong  mangyari na ang inaasam nating magandang bukas  para sa bata, sa bayan ay ating makamit sa gitna ng pandemyang COVID-19. Kaya naman ako bilang guro ng Fourth Estate Elementary School ay nagsasabi na I SAW THE SIGN na kayang-kaya natin kung sama-sama at lahat ay nagtututlungan.

                                                                                                                                                                                                                                                       -Rogelio R. Pasion